Ang Dinidikta ng Pagguhit:Pangarap bilang Arkitekto
Ang bawat istrukturang ating nasisilayan ay nagsimula sa isang simpleng guhit isang ideyang hinubog ng imahinasyon at isinakatuparan ng determinasyon. Sa bawat lungsod at bayan, may mga gusaling naglalaman ng kasaysayan, kultura, at pangarap ng mga taong naninirahan dito. Hindi lang ito basta gawa sa semento, bakal, at salamin kundi bunga rin ng pagsisikap, malikhaing kaisipan, at dedikasyon ng isang Arkitekto. Noong bata pa ako, mahilig na akong gumuhit ng bahay sa likod ng aking notebook. Bagaman payak at simpleng mga linya lamang iyon, sa aking isipan, bawat isa ay may kwentong dala. Isang tahanan para sa isang pamilya, isang gusali kung saan maaaring mangarap ang iba, isang estrukturang maipagmamalaki ng bayan. Hindi ko pa man lubos na nauunawaan noon ang lalim ng arkitektura, alam kong ito ang mundong nais kong tahakin. Isang napakagandang pangarap ang maisakatuparan ang mga ideya ko makita ang isang gusaling itinayo sa gitna ng lungsod, isang tahanang nagbibigay ng in...